i made a poem. because im soo bored. note: THIS POEM ISN'T DEDICATED TO ANYONE/ANYTHING. ok? :)
pag-ibig ang patuloy na pumupukaw sa aking puso.
magmula ng makilala ka'y ito'y di huminto.
ano bang nagawa mo at ako'y nahumaling?
buhay ko'y nabigyang saysay noong ika'y dumating.
mahal kita higit pa sa mundong ginagalawan.
sa bawat sulok ng aking puso't isipan, ikaw lamang ang laman.
buong buhay ko't pangarap ay sayo ilalaan.
wag kang mag-alala, ika'y hindi iiwan.
sa bawat segundong pumatak sa aking relo,
ika'y aalagaan at mamahaling buong-buo.
at sa bawat sandaling ginagawa ko ang mga ito,
aking mapapakita na ako'y para sa iyo. |